Wednesday, June 24, 2009

Paano magkaroo ng Paypal account sa Pilipinas at Eon Debit Card?

Maraming sa atin ang pinagkakakitaan ay nasa internet, mayroon naman na dito naghahanap ng trabaho. May mga mangangalakal naman na pinalalawak ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng paglalagay ng website. Isa po ako sa mga tao na yun, tinatangkilik ko po ang modernong teknolohiya na ito sa Pilipinas. Dahil nandito sa internet ang aking pinagkakakitaan.

Iba na talaga panahon ngayon, pati na din teknolohiya, mabilis. Kaya marahil nalikha ang transaksyon pang pinansyal na tinatawag na Paypal. Ano ba ang Paypal? Ang Paypal ay isang serbisyo na taga pamagitan na pwede mo magamit na pang bili o bayad ng kung ano sa internet o ano mang serbisyo ng trabaho. Imbes na money order o checke, ito ang gamit, Paypal

Kung nakikita o naririnig nyo ang Ebay na kilalang kilala sa internet, ito ay may mga auction, bargain at low cost stuff to buy and sell, yan ang Ebay. Ang paypal po ang pinagkakatiwalaan nilang paraan ng pagba bayad at pang bili na ginagamit nila. Kaya kung magkaroon ka na ng paypal account, pwede ka na din bumili online sa Ebay. Pwede ka din mag padala ng pera o tumangap ng donasyon sa pamamagitan ng Paypal. Mahusay di po ba?

Noong una, hindi nawi withdraw o nakukubra ang pera sa paypal dito sa Pilipinas. Nakakagbayad at nagagamit lang ito pam bili sa internet pero hindi ito makuha o ma withdraw. Ngunit na solusyunan yan ng Union Bank ng kanilang Eon Visa Electron Cards. Sa mga hindi makapag apply ng credit card. Ang practical na nirerekomenda ay EON Debit Card. Paraan para ma withdraw mo dito o makuha ang pera mo sa Paypal.

Kung isa ka sa nangailangan ng madaling paraan ng pinansyal transaksyon sa internet kakailangan mo ang Paypal na ito. Kung paano magkaroon ng account, ganito:

1. Punta ka sa https://www.paypal.com/ph
2. Piliin ang Philippines as your country at ang account type na pinili mo
3. Ilagay ang iyong impormasyon.
4. Tapos click, I agree, create my account.
5. Para ma kumpleto registration, confirm mo email address mo. Check mo email ng paypal sa iyo at confirm mo sa pag click ng link nila.

Ngayon na may paypal account na. Pwede ka na tumangap ng bayad. Ngunit hindi pa ito mawi withdraw. Kakailanganin muna natin i verify ang account mo sa Paypal sa pamamagitan ng EON Debit Card ng Union Bank. Makikita mo na may nakalagay pa na UNVERIFIED sa Paypal account mo. Bakit kailangang ma verify? Ito ay isang proteksyun lang na ginagawa ng Paypal para sa patunay na pagkilanlan sa may ari na nag sign up ay tunay na siya sa pamamagitan ng Eon Debit Card na ili link mo dito. At para dito din makuha ang pera mo sa paypal sa pamamagitan nito. O mag add ka ng bank account kung nais mo na dito padaanin o kunin ang iyong pera . Pero pansamantala, kailangan verify muna natin ang paypal account mo. Kung paano magkaroon ng EON debit card, ganito po:

1.Punta po kayo sa pinaka malapit na branch ng Union Bank. Magdala ka ng 2 valid ID’s na maaring isa sa mga sumusunod:

• SSS Id
• Driver’s license
• Passport
• PRC ID
• Company ID
• Voter’s ID
• NBI Clearance
• Police clearance
• Philhealth ID
• TIN ID

2. Mag fill up ng application form ng para sa Eon debit card.(kung ano information nilagay nyo sa paypal, ganun din po dapat dito)

3. Maghintay ng 1-2 weeks.

4. Mag bayad ng P350 para sa annual fee ng card, kung pwede na makuha ito.

5.At pag nakuha na ang card, mag deposit na din ng P200. Hindi magagamit ang EON debit card kung walang laman ito. Hintayin ang araw na ma activate ito ng Union bank. Madalas ay isang araw lang ang ipaghihintay sa activation.

6. Pag na activate na card, enroll mo debit card mo sa UnionBank Online Banking Click mo "Eon Cyber Account", mag open yung new tab tapos click mo"Enroll Here" fill up mo yung form. Dapat parehas billing information mo dito at sa paypal registration mo.

7. Ngayon login mo paypal account mo at add mo EON Visa Electron as your Debit Card. Punta ka sa "My Account" at sa may "profile tab" ilalim nito, click add/edit credit card. O click mo "Unverified" kalapit ng name mo. Type mo debit card information, type mo ang 16 digit numbers na nakalagay sa card tapos click mo "save and continue".

8.Ngayon may confirmation na lalabas na charged ka $1.95. Dito po ay lalabas yung 4-digit code na tinatawag natin na EXPANDED USE NUMBER (EXPUSE). Hintayin po natin ang 2-3 days tapos tumawag kayo landline sa customer support nila na nakalagay sa card kung sa labas kayo ng Manila nakatira 1-800-1888-2277 toll free po yan or kung taga Manila naman, tawag kayo sa 84-186, kunin nyo yung 4 digit code or expanded use number.

9. Pag nakuha nyo na ang 4 digit code, login ka sa paypal account mo, click mo sa “Confirm my debit card o credit card’ link sa Account overview.

10. Enter mo ang 4 digit paypal code sa box para ma kumpleto proseso ng verification tapos click mo “submit”. Matatangap mo confirmation message na your account has been verified. And the babalik po sa inyo yung na charge na amount of $1.95 na equivalent.


Congratulations, maari nyo ng gamitin ang inyong Paypal.

27 comments:

  1. pano ko po mawiwithdraw? pag nverify na using eon.. ano na next poh?

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Hindi ko po ma verify yung Paypal ko, eto po yung laging lumalabas. "The bank that issued your card didn't approve this transaction. Please contact the card issuer.s customer service department if you have any questions. Or you can add a different card now to continue." Wala pong remaining balance ung EON ko. Could this be the problem kung ba't hindi ko ma-verify ung Paypal ko? Any help is highly appreciated.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo lagyan mo.khit 500 base sa nbs q na gnyan nangyari..ng balance cy ng gnn hlg na verified cy..

      Delete
  4. Anu po bng tmang pag fill up ng address sa adress 1 address 2 tpos ano po ung state?

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Yung address 1. Yun yung present address mo. Kung may ibang address ka o permanent address. Yun yung address 2. Yung state philippines lang kung taga pilipinas ka lang talaga yun lang lalagay mo.

      Delete
  5. Pwedi ba ang paymaya or Metrobank pay card sa paypal?

    ReplyDelete
  6. Very clear information.tnx so much (:

    ReplyDelete
  7. ser pano poba . mag widraw ng pera sa pay pal ?? at pano it makukuha in cash ?

    ReplyDelete
  8. Paano ko po malagyan ng pera ang paypal account ko po?

    ReplyDelete
  9. Pwede po ba kumuha ng paypal debit card sa BDO?

    ReplyDelete
  10. Pano ko po makukuha yung pera ko sa paypal ..may gcasgcard naman ako na cover ng mastercard bakit ayaw padin po ...lagi lumalabas deactive yung gcash ko bago palang yun...ano dapat ko gawin

    ReplyDelete
  11. Pwede po ba ibang name sah paymaya at yung paypal?

    ReplyDelete
  12. Ggaw po Sana ako acc e kaso napindot kopo pala is un business acc instead personal lang po pano po un ?

    ReplyDelete
  13. personal lng po SNA gusto KO kso pang business napindot KO at pwd b ilagay account KO sa BDO?MasterCard po gamit KO..pls.explain po.thanks.

    ReplyDelete
  14. Hi..pwde po bah gumamit ng bdo card pra sa paypal account ko kasi malpit lang sa amin ehh kasi may bdo ako mtgal kona hindi nahulogan...

    ReplyDelete
  15. Maraming salamat po sa maliwanag na explanations. 😊🙏

    ReplyDelete
  16. Naka sign n po ako s PayPal at may send sila n link. Tpos himihingi ng card number e wala akong card number binigay s akin ng PayPal paano po yun plz po p help nmn

    ReplyDelete
  17. Wala po ako cridet card pwede po ba gamtin ang cridet card ng aswa ko tapos account ng paypal ay sa akin

    ReplyDelete
  18. panu po magkaroon ng paypal card

    ReplyDelete
  19. May paypal card?? May pag wiwitdraw hn ba dto sa baguio?

    ReplyDelete
  20. Nais ko po mgkaroon ng paypal account,,

    ReplyDelete
  21. sabi po sa akin ngunion bank magonline daw ako sa getgo unionbankph.com magfillup daw ako noong nafilupon kona lahat submit nakalagay tapos pinindot ko yung submit tapos wala ng sunod na step diko malaman tuloy kungpomasok ba onatanggap sabi ng teller hintayin daw ang reference number bago ako bumalik sa kanila

    ReplyDelete
  22. Pano ko po ilabas ang pera ko sa debit eon visa card meron po itang laman na 5k galing sa PayPal ko pero hindi ko po mawithraw pano po gagawin? Salamat po sa makakasagot

    ReplyDelete
  23. Pag pumasok Ang pera ko sa paypal Anu po an dapat kong ggawin para mawidraw ko xa...

    ReplyDelete
  24. Lucky Club | Live Casino Site | Online casino games, promotions
    Lucky Club is a new online casino and gaming experience where you can play for real money and prizes. Join and play your 카지노사이트luckclub favorite online slots

    ReplyDelete