Wednesday, June 24, 2009

Paano magkaroo ng Paypal account sa Pilipinas at Eon Debit Card?

Maraming sa atin ang pinagkakakitaan ay nasa internet, mayroon naman na dito naghahanap ng trabaho. May mga mangangalakal naman na pinalalawak ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng paglalagay ng website. Isa po ako sa mga tao na yun, tinatangkilik ko po ang modernong teknolohiya na ito sa Pilipinas. Dahil nandito sa internet ang aking pinagkakakitaan.

Iba na talaga panahon ngayon, pati na din teknolohiya, mabilis. Kaya marahil nalikha ang transaksyon pang pinansyal na tinatawag na Paypal. Ano ba ang Paypal? Ang Paypal ay isang serbisyo na taga pamagitan na pwede mo magamit na pang bili o bayad ng kung ano sa internet o ano mang serbisyo ng trabaho. Imbes na money order o checke, ito ang gamit, Paypal

Kung nakikita o naririnig nyo ang Ebay na kilalang kilala sa internet, ito ay may mga auction, bargain at low cost stuff to buy and sell, yan ang Ebay. Ang paypal po ang pinagkakatiwalaan nilang paraan ng pagba bayad at pang bili na ginagamit nila. Kaya kung magkaroon ka na ng paypal account, pwede ka na din bumili online sa Ebay. Pwede ka din mag padala ng pera o tumangap ng donasyon sa pamamagitan ng Paypal. Mahusay di po ba?

Noong una, hindi nawi withdraw o nakukubra ang pera sa paypal dito sa Pilipinas. Nakakagbayad at nagagamit lang ito pam bili sa internet pero hindi ito makuha o ma withdraw. Ngunit na solusyunan yan ng Union Bank ng kanilang Eon Visa Electron Cards. Sa mga hindi makapag apply ng credit card. Ang practical na nirerekomenda ay EON Debit Card. Paraan para ma withdraw mo dito o makuha ang pera mo sa Paypal.

Kung isa ka sa nangailangan ng madaling paraan ng pinansyal transaksyon sa internet kakailangan mo ang Paypal na ito. Kung paano magkaroon ng account, ganito:

1. Punta ka sa https://www.paypal.com/ph
2. Piliin ang Philippines as your country at ang account type na pinili mo
3. Ilagay ang iyong impormasyon.
4. Tapos click, I agree, create my account.
5. Para ma kumpleto registration, confirm mo email address mo. Check mo email ng paypal sa iyo at confirm mo sa pag click ng link nila.

Ngayon na may paypal account na. Pwede ka na tumangap ng bayad. Ngunit hindi pa ito mawi withdraw. Kakailanganin muna natin i verify ang account mo sa Paypal sa pamamagitan ng EON Debit Card ng Union Bank. Makikita mo na may nakalagay pa na UNVERIFIED sa Paypal account mo. Bakit kailangang ma verify? Ito ay isang proteksyun lang na ginagawa ng Paypal para sa patunay na pagkilanlan sa may ari na nag sign up ay tunay na siya sa pamamagitan ng Eon Debit Card na ili link mo dito. At para dito din makuha ang pera mo sa paypal sa pamamagitan nito. O mag add ka ng bank account kung nais mo na dito padaanin o kunin ang iyong pera . Pero pansamantala, kailangan verify muna natin ang paypal account mo. Kung paano magkaroon ng EON debit card, ganito po:

1.Punta po kayo sa pinaka malapit na branch ng Union Bank. Magdala ka ng 2 valid ID’s na maaring isa sa mga sumusunod:

• SSS Id
• Driver’s license
• Passport
• PRC ID
• Company ID
• Voter’s ID
• NBI Clearance
• Police clearance
• Philhealth ID
• TIN ID

2. Mag fill up ng application form ng para sa Eon debit card.(kung ano information nilagay nyo sa paypal, ganun din po dapat dito)

3. Maghintay ng 1-2 weeks.

4. Mag bayad ng P350 para sa annual fee ng card, kung pwede na makuha ito.

5.At pag nakuha na ang card, mag deposit na din ng P200. Hindi magagamit ang EON debit card kung walang laman ito. Hintayin ang araw na ma activate ito ng Union bank. Madalas ay isang araw lang ang ipaghihintay sa activation.

6. Pag na activate na card, enroll mo debit card mo sa UnionBank Online Banking Click mo "Eon Cyber Account", mag open yung new tab tapos click mo"Enroll Here" fill up mo yung form. Dapat parehas billing information mo dito at sa paypal registration mo.

7. Ngayon login mo paypal account mo at add mo EON Visa Electron as your Debit Card. Punta ka sa "My Account" at sa may "profile tab" ilalim nito, click add/edit credit card. O click mo "Unverified" kalapit ng name mo. Type mo debit card information, type mo ang 16 digit numbers na nakalagay sa card tapos click mo "save and continue".

8.Ngayon may confirmation na lalabas na charged ka $1.95. Dito po ay lalabas yung 4-digit code na tinatawag natin na EXPANDED USE NUMBER (EXPUSE). Hintayin po natin ang 2-3 days tapos tumawag kayo landline sa customer support nila na nakalagay sa card kung sa labas kayo ng Manila nakatira 1-800-1888-2277 toll free po yan or kung taga Manila naman, tawag kayo sa 84-186, kunin nyo yung 4 digit code or expanded use number.

9. Pag nakuha nyo na ang 4 digit code, login ka sa paypal account mo, click mo sa “Confirm my debit card o credit card’ link sa Account overview.

10. Enter mo ang 4 digit paypal code sa box para ma kumpleto proseso ng verification tapos click mo “submit”. Matatangap mo confirmation message na your account has been verified. And the babalik po sa inyo yung na charge na amount of $1.95 na equivalent.


Congratulations, maari nyo ng gamitin ang inyong Paypal.